Ganito Noon, Pero Iba na Ngayon!
Lumipas ang panahon na maraming naganap na pagbabago.
Gustuhin man natin o hindi pero wala tayong magagawa lalo pa iba-iba ang gusto
ng bawat tao sa mundo. Ang mga luma ay napapalitan ng mga bago kaya ang ibang
bagay na luma ay 'di na masyadong ginagamit o hindi na nagagamit dahil sa meron
ng bago. Una na rito ang teknolohiya naging madali nalang sa atin at sa iba
pang gamit nito. Iba na rin ngayon ang pakikisalamuha para makapag-ugnay sa
kapwa, at lalo na sa paraan nang panliligaw. Pati ang pamahiin ng mga nakakatanda
at mga ninuno ay unti-unti ng nawawala, kung baga hindi na masyadong
pinaniniwalaan ng mga kabataan ngayon. Kaya aalamin natin ang pinagkaiba noon
at ngayon. Kung bakit ganito noon, pero iba na ngayon?
1.)
Media/Technologies
Makikitang malaki talaga ang pinagbago lalo na sa teknolohiya.
Noon ang selpon ay 'yong may antina pa, sikat ka kung mayroon kang ganitong
selpon noon. Pero ngayon ang mga selpon ay puro touch screen na iilan na lamang
ang hindi gumagamit ng touch screen.
noon
ngayon
Ang TV naman noon ay black and white, pero ngayon colored na
tapos flat screen pa, wala na rin akong napansin ngayong TV na black and white
dahil puro colored na.
Noon ang pangunahing pinagkukunan ng mga impormasyon sa
pag-aaral ay ang mga aklat sa library. Ngayon naman ay mas marami na ang
kumukuha ng impormasyon gamit ang kompyuter na may google dahil isang pindot mo
lang lalabas na agad ang iyong hinahanap.
| noon |
| ngayon |
2.) Social Relationships
| noon |
| ngayon |
Noon nakaugalian na sa mga Filipino ang paggalang sa ating
mga magulang lalo na sa mga nakakatanda sa pamamagitan ng po, opo at ang
pagmamano. Pero sa panahon ngayon unti-unti na itong nawawala lalo na sa mga
kabataan, hindi na sanay gumamit ng po, opo at pagmamano.
| noon |
Noon kahit malayo ang bahay pero itinuturing na kabitbahay,
magkakilala at kaibigan pa ang bawat isa. Ngayon, hindi natin mapagkakaila lalo
na sa mga syudad kahit magkatabi lang ang bahay ngunit halos hindi magkakilala.
Noon ang mga bata ay larong pinoy ang nilalaro, ngunit iba
na ngayon halos hindi na lumalabas ang bata sa bahay dahil babad ito sa computer
games.
| noon |
| ngayon |
3.) Beliefs or
Values
Ang mga paniniwala ng mga matatanda na madalas ay walang
batayan at hindi maipaliwanag kung bakit kinakailangang sundin. Malaki ang
nagagawang impluwensya ng mga pamahiin sa ating kultura. Ito ay nakakaapekto sa
ating kaligayahan, kalungkutan, kabiguan, at tagumpay sa buhay. Ang mga nakakatanda
lalo na ang ating mga lolo at lola ay naniniwala sa mga sumusunod:
Bawal magpapakuha ng larawan na tatlo lamang dahil mamamatay
ang isa.
Hindi dapat magwalis kapag may patay sa bahay.
Palipasin ang tatlong araw bago maligo kapag namatayan.
Huwag tumambay sa pintuan ang bisita ng buntis. Sa halip ay
agad na pumasok sa loob ng bahay ang bisita upang hindi mahirapang manganak ang
buntis.
Malas ang anumang bahay na ginawa sa ika-13 ng anumang
buwan.
Ang makasalo ng bulaklak na inihagis ng babaing ikinasal ay
susunod na mag-aasawa.
Masama para sa magkapatid ang magpakasal sa loob ng iisang
taon.
Magpaputok ng malalakas sa bagong taon upang itaboy ang
malas.
Huwag iihi sa punso at gaganti ang mga engkanto.
Huwag maliligo pagkatapos magsimba.
Ang sinumang taong mayroong malaking tainga ay magkakaroon
ng mahabang buhay.
Huwag mag walis sa gabi para huwag malasin.
Huwag maliligo sa araw ng Martes at Biyernes.
Ang mga tao ngayon ay hindi na masyadong naninisala sa maga
pamahiing ito, hindi tulad dati na halos lahat ay naniniwala o sumusunod sa mga
pamahiin.
Hindi mapagkakaila na malaki ang pinagbago ng ating lipunang
ginagalawan lalo na sa teknolohiya. Isa sa hindi ko malilimutang karanasan
noong tumuntong ako sa ika-anim na baitang sa elementarya. Mayroong isang pinagamit
na kompyuter ang aming guro na pinalaruan sa amin. Pero iilan lamang ang may
alam kung paano gamitin o laruin. Kaya hanggang tingin na lamang kaming hindi marunong.
Ayaw naman kaming turuan ng kaklasi naman na marunong gumamit. Pero sa panahon
ngayon kahit ang babata pa, marunong na marunong nang gumamit ng kompyuter
talagang iba noon at ngayon.
Sa nakikita ko ngayong pagbabago, naging mausbong nga tayo
sa ibang teknolohiya pero talagang huli pa rin tayo sa ibang bansa dahil mas
high tech talaga sa kanila. Kaya masasabing huli pa rin tayo sa ibang bansa at
may tao pa rin na hindi marunong gumamit ng kompyuter lalo na ang hindi abot
kayang magkakompyuter o walang kuryente sa lugar. Pero kung ikukumpara noon mas
marami ang walang alam sa kompyuter kaysa ngayon. Kaya kinakailangang ibahagi
ng mga nakakaalam ang nalalaman para rin naman ito sa ating ikakabuti. Ang
pakikipag-ugnayan sa kapwa ay mas mabuting gumalang sa mga nakakatanda,
mag-effort sa panliligaw at makisalamuha sa kapwa para mas maganda ang ating
pamumuhay. Sa mga pamahiin naman ay walang mawawala sa atin kung tayo ay
maniniwala o hindi, nasa atin na 'yan pero wala namang masama kung tayo ay
maniwala.
Bilang isang estudyante at guro sa hinaharap kinkailangang
ipakita o ituro kung ano ang mas nakakabuti para hindi maabuso. Kung ano ang
bago kailangang tama lamang ang paggamit nito lalo na sa teknolohiya. Ituturo
ko kung gaano ito kahalaga upang hindi abusuhin at nang maging matagumpay tayo
bilang mabuting mamamayan sa ating lipunan.

No comments:
Post a Comment